Kagawad Josefina dela Serna

 

(AUTOBIOGRAPHY) 

 

Isinilang sa Maynila noong Ika-19 ng buwan ng Marso 1959 sa kanyang mga magulang na sina Rito Tolosa dela Serna,Jr. at Encarnacion Nartea dela Serna. Pangatlo sa siyam (9) na magkakapatid, lumaki sa Pureza St. Sta.Mesa at kapagdaka'y nanirahan sa Peralta St. Barangay 599 noong siya ay (10) sampung taong gulang na (1969). Noong mga huling taon ni dating Presidente F. Marcos, naging isa sa bumubuo ng unang SK Council ng Barangay 599 na kung tawagin noon ay KB ( Kabataang Barangay). 

 

Sa kinikita ng amang dating Pulis Maynila at pag-aahente ng ina sa real estate,pre-need plans,tupperware at kung ano pang pagkakakitaan,  hindi nya natapos ang kolehiyo sa kursong BS-Food & Nutrition sa Centro Escolar University. Napilitang maghanap-buhay upang makatulong sa mga gastusin ng pamilya at matustusan na rin ang sariling pangangailangan. Tulad ng iba, dumaan sa isang pagsubok noong siya ay umabot sa edad na dalawampu't siyam (29) na taong gulang pagkatapos ng sampung taong (10) pagtatrabaho. Sa pagitan ng mga taong ito, sinamantalang matuto ng iba pang kakayanan tulad ng paggamit ng computer, paggawa ng 'stuff toys',atbp.

 

Taong 1994, sa edad na Tatlumpu't lima (35), napag-tuunang pansin ang lumalagong komunidad kung saan nagkaroon ng may humigit-kumulang apatnapung (40) 'shanties' sa entrada ng kalye Peralta. Dito pinukaw ang damdaming pagmamalasakit sa kapaligiran, kalinisan at kalusugan ng mga naninirahan kasama na rito ang sariling pamilya at lumalaking anak. Sa paghimok ng ilang kaibigan, sinubukang lumahok sa pulitikang mamumuno at mamamalakad ng Barangay 599 at siya ay nahirang bilang ikatlong Kagawad ng komunidad na ito.

 

Likas na tahimik ngunit may dugong politiko tulad ng Lolo sa panig ng ina na ilang taon ding naging Alkalde ng kanilang lalawigan, sinikap na matuto pa ni Kagawad dela Serna ng tamang pamamalakad at pagsasanay upang maging isang mapagsilbing lider, nagtuloy-tuloy na ang pagsisilbi sa sariling lugar. Siya ang naging daan upang maging aktibo ang mga nanay kaya't naitatag ang CVHW ( Community Volunteer Health Workers ) at ang 599 Women's Multi-Purpose Cooperative. Paglaon, binigyang pansin ang mga kabataan at upang hingian ng partisipasyon, hinikayat ang mga ito na bumuo naman ng JR CVHW na nakakatulong sa mga serbisyong medikal ng barangay.

 

Hanggang sa kasalukuyan, mga kabataan ang napiling pagtuunan ng pansin dahil sa lumalalang problema ng mga kabataang edad Labingwalong taon (18)  pababa. Upang magkaroon ng kabuluhan ang iniwang salita ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal na nagsabing:"Ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan",  nais ipaunawa ni Kag.Ojie dela Serna sa mga magulang at nakatatanda na tayo pa rin ang may responsibilidad na hubugin ang mga bata nang maayos....isang batang may takot sa Diyos, may pagmamalasakit sa Bayan at pagmamahal sa kapuwa!

 

" Our children are our future...what we do good for them today will result in quality human resources of our country tomorrow! "


PERSONAL MESSAGE

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Photo Gallery


Weekly Report


Contact

Barangay599zone59

Old Sta. Mesa Manila, Philippines

7163543


About Kg. dela Serna

No comments found.